Aso Na May Kagat-Kagat Na Hollow Block Kinaaliwan Ng Mga Netizens Sa Social Media

 

Photo from: DOG LOVERS PHILIPPINES/ Facebook page

Natural na makita sa mga aso ang may kagat-kagat na buto, ngunit mayroon din ibang mga pagkakataon na kung ano-ano ang kanilang mga nginangatngat na bagay. Likas na kasi ito sa kanila dahil ito ay isang paraan ng kanilang libangan at para masatisfy ang kanilang pagnguya.

Ngunit minsan ay nakakaperwisyo lamang lalu na kung mahalagang mga bagay ang kanilang nginatngat tulad na lang ng mga tsinelas na kadalasan ay kanilang napagti-tripan.

Pero sa mga larawan na naibahagi ng netizen na si Juneth Bognot sa isang Facebook page na DOG LOVERS PHILIPPINES ay makikita ang isang aso na imbes na buto ang kagat-kagat ay isang hollow block.




Pabirong caption niya sa kanyang post,

"Bisita: Nangangagat ba yang aso niyo?
Ako: Hindi Nambabato lang."

Sa laki ba naman noong aso at ang kanyang hollow block na kinakagat ay tiyak na magdadalawang isip ang sinu mang taong nakakita nito at baka maibato pa sa iyo.

Samantala, maraming netizens ang naaaliw sa mga larawan na ito dahil madalang ka lang makakita ng aso na kinakagat ay isang hollow block. Narito ang ilan sa kanilang mga nakakatawang komento.

"Nag upgrade na naman nginangatngat hollow blocks nah. wag na kayo magtaka susunod butas na yung pader niyo."- Adelle Poriento

"Haha suma sideline na yan construction ahh."- Ruffany V. Recto

"Naku pat*y mga tsismosa sa tapat ng bahay niyo sa laki ba naman ng ibabato mawawalan ng ulirat ang matatamaan sa ulo."- Avula Precilla Bunsoy

"Baka naman ginagawa lang nila ang second floor nila."-Werdna Acirfa

"Maaasahan siya sa pag gawa nang bahay kaya niya mag hakot [ng] hollow blocks."- Jr Diong

"Hindi lahat ng aso nangangagat, yung iba nambabato haha."- Leo Mark Samson

"Tipid kayo pag nagpagawa kayo ng bahay, may taga buhat na kayo ng bato."- Ella Mae Aquino

"Grabe ang lakas ng jaw power ah."-Bbmua Pinky

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!