Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Photo credit: Dann Kayne Suarez/ Facebook

  Kung iisipin, napakadali na nga lang naman talaga ngayong makabili dahil sa online. Sa pamamagitan lamang ng paggamit ng cellphone at internet ay mabibili mo na ang gusto mo at saka pa ito idedeliver ng door-to-door sa inyo.

At dahil ganito na lamang kadali, di maiiwasan na mayroong mga taong nananamantala at nanloloko. Subalit ang kwento ng isang batang customer na ito ay hindi upang manloko o mamerwisyo ng tao.

 Dahilan niya kasi dahil sa internet lag o paputol-putol na koneksyon ng internet kung kaya't nagkanda doble-doble ang kanyang order.

Nangyari ito sa Barangay Mabolo sa Cebu City mga 11:00 ng umaga. Bahagi sa isang Facebook live ng kapitbahay na si Dann Kayne Suarez, higit na 30 Food Panda delivery riders ang dumating sa bahay ng 7 taong gulang na batang umorder ng 2 order ng chicken fillet na may kasamang french fries. 

Photo credit: Dann Kayne Suarez/ Facebook


Sanay naman daw itong umorder kung kaya't sa kanya na pinaubaya na siya na lamang ang mag-order ng pananghalian nila ng kanyang lola. 

Umorder ang bata ng pagkain sa food app na Food Panda ngunit noong araw na iyon ay nagkaproblema daw ang kanilang internet connection kaya nagkaroon ng error sa kanyang order hanggang sa umulit-ulit ito at naging 42 pirasong chicken fillet na may french fries ang pumasok na order.

Paisa-isang nagsipagdatingan ang higit na 30 delivery riders sa address ng bata bitbit ang order na chicken fillet at fries. Mabuti na lamang dahil ang ilang mga riders ay nagkasela na lamang ng order dahil napansin na 'suspicious' na ang transaction.

Ang presyo lamang na dapat bayaran ng bata ay nasa P189 subalit dahil ilang beses itong naulit kaya umabot ang total ng kanyang nabili sa P7,938. 

Photo credit: Dann Kayne Suarez/ Facebook


Mangiyak-ngiyak na ang bata sa takot dahil hindi naman daw niya ginusto itong mangyari. Ang mga kapitbahay nila sa Our Lady of Remedy ay tumulong na lamang upang mabili ang ilang mga pagkain at para mabawasan ang traumang naranasan ng bata. 

Subalit hindi pa rin ito naubos kaya ang ilang mga riders ay umalis na lamang dala ang mga orders na hindi nabenta.

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit