From 2 Subscribe to 200k: Batang Napabalita Noon Na Nagdiwang Dahil Sa Pagkakaroon Ng 2 Subscribers, Ngayon Ay Mayroong Ng 200k Subs

Photo from: Mary Grace Escober/ Facebook, Youtube


Madalas na ipinagdiriwang ng mga Youtubers ang kanilang milestones sa kanilang channel. Sa tuwing dumarami ang kanilang mga subscribers ay naging tradisyon na nila ito na icelebrate.

Napabalita noon ang isang batang aspiring Youtube vlogger na kung saan ipinagdiwang niya ang pagkakaroon lamang ng dalawang subscribers. Nakilala ang bata bilang si Mary Grace Escober.

Kahit na dalawa pa lamang ang nakapag-subscribe sa kanyang Youtube channel noon ay ipinagdiwang pa rin niya ito at saka niya ibinahagi sa kanyang Facebook account. Makikita na mayroon pa siyang cupcake na mayroong nasakulat na '2 subs' saka niya nilagyan ito ng posporo na ginagawa niyang parang kandila.

Maraming netizens ang humanga sa pagiging humble ni Escober at sa pagpapasalamat niya sa biyaya kahit na pa ito ay malaki o maliit. Sa kanyang mga unang vlog ay nagpasalamat siya sa mga nagsubscribe sa kanya.


Photo from: Mary Grace Escober/ Facebook


Aniya, "Thank you po sa lahat ng sumusuporta sa akin. Sana patulyo niyo po akong suportahan. Thank you Lord for everything."

At dahil nagviral ang kanyang post sa social media, sa loob lamang ng ilang oras ay biglang tumaas ang kanyang subscribers. Isa na nga ang celebrity na si Kiray Celis na nagpromote ng kanyang channel.

Ani ni Kiray, "Hindi ko siya kilala. Pero suportahan natin yong pangarap ng batang to. Malayo mararating mo, baby girl basta maging humble ka lang palagi at magpapakabait sa magulang mo. Subscribe tayo sa kaniya."

May iilan rin ang nagboluntaryong tulungan pa si Escober upang mapalago ang kanyang channel.


Screenshot: Mary Grace Escober/ Youtube channel


Sa isang pahayag ay sobrang tuwa raw niya at hindi niya raw inaasahan ang maraming sumusuporta sa kanya. 

Mula sa dalawang subscribers, ngayon ay umabot na sa higit 200k ang ang naka-subscribe sa kanyang channel. Mas lalo siyang nagkaroon ng dahilan upang ipagdiwang ang kanyang nakamit na milestone na ito.

Tiyak na sa dami ng sumusuporta sa kanya ngayon ay mas gaganahan pa siyang gumawa ng mga vlogs at pagbutihin pa ito.

Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!