Hinangaan Ang Isang Aso Na Pangalawang Beses Ng Nailigtas Ang Kanyang Mga Amo Sa Panganib

Photo credits: Spidey Web/ Facebook

  Ang mga aso talaga ang mga maituturing na man's bestfriend. Bukod kasi sa pagiging malambing nila sa kanilang mga amo ay tila alam nila kung mayroon bang panganib na paparating. 

Katulad na lamang ng isang aso na ito na pangalan ay Rover. Kung hindi dahil sa kanya ay nalagay na sa panganib ang buhay ng kanyang mga amo.

Sa isang post na ibinahagi ng Facebook page na Kami.com.ph ay naitampok ang tinaguriang 'hero dog' na ito.

Ayon sa kwento ng netizen, sa gitna raw ng himbing ng kanilang tulog, mga 2:30 ng madaling araw ay muntikan ng masunog ang kanilang bahay dahil pumuputok na ang saksakan ng kanilang ref. Mabuti na lamang at nagigins sila sa tahol ng kanilang asong si Rover.
Photo credits: Spidey Web/ Facebook


Hindi raw ito mapakali kung kaya't hindi siya tumigil sa kaka-tahol upang magising ang kanyang mga amo. Pagkabangon nilla ay nangangamoy sunog na sa kanilang bahay at umuusok na ang saksakan ng ref. 

Mabuti na lang at nabunot ng kasama niyang si Sarah ang saksakan upang hindi na ito magtuloy-tuloy pumutok at masunog. At buti na lang rin na doon raw sila sa unang palapag ng kanilang bahay natulog dahil walang kasama ang kanilang aso dahil kung hindi baka hindi nila narinig ang pagtahol nito. 

Pangalawang beses na raw silang iniligtas ng kanilang aso. Noong una ay sa ahas at ngayon naman ay sa sunog. 

Laking pasasalamat ng netizen sa kanilang aso at sa Panginoon dahil sila ay nailigtas at walang nangyaring masama sa kanila.

Photo credits: Spidey Web/ Facebook


Hinangaan naman ng mga netizens ang bayaning aso na si Rover dahil sa pagligtas nito sa kaniyang mga amo. 

Wika ng isang netizen,

"Sa dog ka talaga makaka kuha ng buong katapatan at pagmamahal at ililigtas ka sa anumang kapahamakan. Sana mga may alagang doggies mahalin niyo po sila at 100 percent nilang ibabalik ang pagmamahal niyo sa kanila."


Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Kalunos-lunos Ang Sinapit Ng Isang Nanay Matapos Siyang Buhusan Ng Kaning Baboy Ng Kanyang Anak

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nanay Hirap Na Hirap Kandungin Ang Kanyang Anak Na Nakatulog, At Ang Masama Ay Wala Man Lang Nag-alok Sa Kanya Ng Upuan