Ikinatuwa, Sulat Ng Isang Mister Sa Kanyang Asawa Na May Kasama Pang Php 5k Na Pang-shopping! Sana All!

Photo from: Pagka Toytoy/ Facebook

  Mapapa-sana all na lamang ang lahat ng mga misis sa kwento ng mag-asawang ito!

Nag-viral ang post ng Facebook page na Pagka Toytoy dahil sa isang liham ng isang mister sa kanyang misis. Sinabi ng mister sa kanyang asawa na mag-shopping raw ito ng kanyang gusto at saka pa siya binigyan ng perang Php5,000.

"To my beautiful Wifey!

Pasensya na 5k lang yan bili mo yan nang panty, bra, make-up, gusto mong pagkain ikaw na bahala. Dagdagan ko nalang uli yan sa next salary ko ok? Mag shopping ka. Alam kung pagod ka sa mga gawaing bahay at sa pag-aalaga nang dalawang anak natin.

See you tonight! Enjoy shopping! Love you Mahal. --Hubby"

Photo from: Pagka Toytoy/ Facebook


Talaga namang napaka-sweet ang ginawa na ito ng mister. Bibihira na lamang kasi ang mga lalaki na gagawin ang ganito para sa kanilang asawa. 

Kadalasan sa mag-asawa, ang babae ang humahawak ng pera dahil siya ang nagba-budget para sa buong pamilya. Pero sa liham na ito ay tila binigyan ni mister ng bonus si misis dahil hinayaan niya itong mamili at magshopping para sa kanyang sarili.

Marami ring netizens ang na-touch sa ginawa ng lalaki dahil napagtanto nito kung gaano kapagod ang maging nanay lalo na pa't siya lang ang gumagawa ng mga gawaing bahay at nag-aalaga ng kanilang dalawang anak.

Kung kaya't komento ng karamihan, "Sana all!" Narito pa ang ilang sa mga komento ng mga netizens.

"Thankful talaga na may ganito din ako asawa nagbibigay nang pang shopping pang salon, pang enjoy."

"May asawa talagang ganyan, very supportive."

"Bibihira sa mga lalaki ang nakaka-appreciate sa mga ginagawa ng mga asawa nila sa araw-araw na gawaing bahay, pag-aalaga ng mga bata at iba pang asukasuhin. Kaya naman saludo ako sa mga lalaking ganyan na hindi makasarili at may pag unawa din sa asawa."

"This is what you called, every girl's dream."


Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!