Meryll Soriano, Ibinahagi ang hirap na kaniyang pinagdaanan sa panganganak sa kabila ng kaniyang Gestational Diabetes



Surpresa ang hatid ng aktres na si Merryll Soriano sa kaniyang mga fans nang ibahagi nito sa pinakaunang-araw ng taong 2021 ang magandang balita patungkol sa kaniyang panganganak.

"2021! May this year be kinder to us all. May we all find peace, joy, and love. New year, new hopes, new positive outcomes. Happy New Year from our family to yours!," caption niya sa mga larawan kasama ang kasintahan na si Joem Bascon habang karga ang kanilang sanggol.


Sa edad na 38-taong gulang ay batid ng aktres na delikado ang kaniyang pagdadalantao lalo na at ayon sa mga doktor ay maaari siyang makaranas ng tinatawag na "gestational diabetes", isang kondisyon na madalas mangyari sa ika-anim o ika-pitong buwan ng pagbubuntis.


Ang balitang ito ay nagdulot ng pangamba kay Meryll kaya naman hindi maiwasan na magkaroon siya ng anxiety attacks noon. Sa kabutihang palad ay todo ang suporta sa kaniya ng kasintahang si Joem at ito ang nag-aasikaso ng mga dapat niyang kainin sapagkat kinakailangan ng striktong diet upang hindi ito lumala.


Magkasabay rin sila sa paggawa ng "pregnancy workouts" upang masiguro na magiging malakas ang katawan ng aktres lalo na sa araw ng panganganak. Minsan naman ay yoga ang kaniyang pinagkakaabalahan kung gusto niyang makapag-relax.


Hindi biro ang pinagdaanan ni Meryll sa ikalawa niyang pagbubuntis lalo na at kailangan niyang sumailalim sa apat na glucose test at insulin shots kada araw upang masiguro na normal ang kaniyang blood sugar. 


Matapos nga ang siyam na buwan at sampung oras na labor ay nailuwal niya ng normal ang isang 7 pounds na sanggol. Kaya naman masayang-masaya rin ang panganay nitong anak na si Elijah Palanca, 13-taong gulang dahil sa wakas ay natupad na ang matagal nitong panalangin na magkaroon ng kapatid na lalaki.


"We are the happiest to get to share this experience to our parents and family. Family is everything. And to Kuya Eli, who has been secretly wishing for a brother since he was 10. Bless his heart.", dagdag pa ni Meryll.


Sa ngayon ay masayang-masaya si Meryll sa kabila ng kaliwa't kanang kontrobersiya lalo na at alam niyang napapalibutan siya ng pamamahal mula sa kaniyang pamilya.

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!