Naantig Ang Mga Netizens Sa Ginawa Ng Isang Na Rider Na Ito Sa Isang Asong Nakita Niya Sa Kalye

Photo credit: Philippine Star/ Facebook

Napakaraming asong makikita sa kalsada. Karamihan sa mga ito ay palaboy-laboy, walang pamilyang nag-aalaga sa kanila, walang matirhan, walang makain. Kung ang ibang tao ay natitiis nilang makitang ganito ang mga palaboy na aso, ang lalaking ito ay binigyan pa ng pagkain ang isang asong nakita niyang nagugutom.

Isang netizen na taga Quezon City na si Jozel Anne Quiambao ang nagbahagi ng isang nakaka-touch na pangyayaring kanyang nasaksihan sa pagitan ng isang rider at ng isang asong kalye.

Aniya, bumili raw kasi ang rider ng burger at milk tea sa kanilang tindahan nang may nakita itongisang asong pagala-gala na nangangayayat at tila mukhang nagugutom. Nagorder ang rider ng isang order ng siomai at sinabing huwag itong lalagyan ng toyo. 


Photo credit: Philippine Star/ Facebook


Noong nakita raw ni Quiambao na ibibigay pala ito ng rider sa aso ay hindi na raw niya ito pinabayaran dahil maging siya ay isang dog lover din at ginagawa rin raw niya iyon.

Ikinuwento raw ng rider sa kanya na palagi raw siyang may dalang tupperware na may pagkain at kanin upang sa tuwing may makikita siyang aso sa daan ay bibigyan niya ito. Dagdag pa ni Quiambao na palagi raw nagpapakain ng mga asong nakikita niyang pagala-gala sa kalsada ang rider.

Pinagtitipon-tipon raw niya ito tapos saka niya papakainin. Dagdag pa nito na marami rin daw kasi siyang alagang aso sa kanila kung kaya't napaka mapagmahal niya sa mga aso.


Photo credit: Philippine Star/ Facebook


Naantig raw ang puso ni Quiambao sa 'good deed' na ginawa ng lalaki, maliit man ang ginawa niyang ito ngunit nakakataba naman ng puso.

"Sobrang nakakataba po ng puso tsaka medyo napaluha ako kasi ang bait po ni kuya." saad ni Quiambao.

Photo credit: Philippine Star/ Facebook


Tiyak na hindi lang dahil sa pagiging dog lover ni kuya rider kung bakit niya ginawa ito, sadyang mayroon siyang napakabait na puso.

Bless your kind heart, Kuya!

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit