Netizen, Nalungkot Para Sa Isang Tatay Na Nagdiwang Ng Kanyang Kaarawan Na Mag-isa Sa Isang Fastfood Chain

 

Photo credit: Trixie Ann Eras Manuel/ Facebook

Mas masayang ipinagdiriwang ang kaarawan kasama ang iyong pamilya o di kaya ay kaibigan. Pero ang isang tatay na ito, kahit na siya ay mag-isa lamang ay hindi siya nagpatinag upang hindi niya maicelebrate ang kanyang birthday. 

Sa isang Facebook post ay naibahagi ni Trixie Ann Eras Manuel ang larawan ng isang lalaking nasa isang fastfood chain at nagdiriwang ng kanyang kaarawan na mag-isa.

Ani Manuel ay nalungkot raw siya sa kanyang nakita dahil itong kasama para maicelebrate ang kanyang espesyal na araw. Caption niya sa kanyang post,

Photo credit: Trixie Ann Eras Manuel/ Facebook


"Sobra akong nalungkot nang makita namin si Tatay sa isang fast food chain, hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sapagkat ngayon lamang ako naka-saksi ng ganitong uri ng pangyayari sa buong buhay ko. Akala ko sa mga drama lang nangyayare ito pero hindi! Sine-celebrate ni Tatay ang kanyang ika 69 taon ng mag-isa at walang kasama."

Makikita sa mga larawan na naibahagi ni Manuel ay bumili pa ng cake para sa kanyang sarili ang lalaki at nag-order na lamang ng isang meal para sa kanya. 

Habang ipinapakita raw ni Tatay ang kanyang handa sa kanyang asawa't mga anak sa pamamagitan ng pagtawag sa cellphone ay hindi raw alam ni Manuel kung anong lungkot ang bumalot sa kanyang puso.


Photo credit: Trixie Ann Eras Manuel/ Facebook

Nakakalungkot lang kasi na magkalayo si Tatay at ang kanyang pamilya kung kaya't thru online na lamang nila ito isinelebrate kahit papano. Sa isang video na nakunan rin ay maririnig na pinagkakanta na lamang si Tatay ng 'happy birthday.'

Bakas naman sa kanyang mukha na masaya siya habang nagpapakuha siya ng letrato. 

Photo credit: Trixie Ann Eras Manuel/ Facebook


Dagdag ni Manuel, "Para sa iyo Tatay nawa'y bigyan ka pa ng Panginoon ng lakas para sa mga pagsubok na haharapin mo pa sa buhay. Mag-iingat ka po lagi Tay. MALIGAYANG KAARAWAN PO SA IYO TATAY AT PAGPALAIN KA."

Samantala, bumuho naman ng mga pagbati ang mga netizens sa lalaki nang maibahagi ang kanyang kwento sa social media.

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Kalunos-lunos Ang Sinapit Ng Isang Nanay Matapos Siyang Buhusan Ng Kaning Baboy Ng Kanyang Anak

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nanay Hirap Na Hirap Kandungin Ang Kanyang Anak Na Nakatulog, At Ang Masama Ay Wala Man Lang Nag-alok Sa Kanya Ng Upuan