Single Mother Ginulat Ang Lahat Matapos Magpaganda Dahil Iniwan Ng Kanyang Nobyo

 

Source: World of Buzz

May ilan talagang mga tao na sa pisikal na kaanyuan lamang sila tumitingin. At ang mas masakit pa ay kung nakakarinig ka ng panlalait o pang-iinsulto ng iyong kapwa. Kung kaya't ang ginagawa ng iba ay mas iniimprove nila ang kanilang sarili upang maging kaaya-aya sa paningin ng iba.

Katulad na lamang ng isang Vietnamese na single mother na ito. Ibinahagi ng 28 taong gulang na si Huyen ang kanyang ipinagawang plastic surgery sa kanyang katawan dahil sa panlalait sa kanya ng kanyang kapwa. 

Madalas ay pinagtatawanan raw siya dahil sa kanyang itsura dahil sa pagkakaroon ng single eyelids at sa kulay ng kanyang balat.

Source: World of Buzz


Sa katunayan, ang tingin daw ng pamilya ng kanyang nobyo ay hindi siya maganda kung kaya't pinilit nila ang kanilang anak na umatras sa kanilang kasal kahit na pa nagkaroon na sila ng anak. 

Dahil sa mga masasakit na pangyayaring naranasan ni Huyen ay ipinangako niya sa kanyang sarili na babangon siyang at magsisimulang muli kasama ang kanyang anak.

Habang siya ay nagtatrabaho ay ipinaalaga muna niya ang kanyang anak sa kanyang ina at binibista na lamang niya ito tuwing linggo. Samantala, nagsimula rin siyang mag-ipon para makapagpa-opera dahil naniniwala siya na ito ang magiging susi upang mababago ang kanyang buhay.

Source: World of Buzz


Makalipas ang tatlong taon ay gumasta siya ng 100,000,000 Vietnamese dongs o higit sa Php200,000 para sa pagpapagawa ng kanyang katawan. At kinailangan raw niyang magtrabaho na halos walang pahinga para lang mabayaran ang kanyang mga operasyon.

Noong una raw, ang kanyang ina ay di sang-ayon sa kanya ngunit habang nakikita raw nito ang pagbabagong nagaganap kay Huyen ay unti-unti na rin niya itong sinuportahan. 

Source: World of Buzz


Ang laki ng kanyang pinagbago. Tiyak na maging ang kanyang ex-boyfriend ay baka nagsisisi na kung bakit siya iniwan. 

Ayon kay Huyen, nagpabago ng kanyang buhay ang kanyang bagong itsura.  Ito rin ang dahilan kung bakit nagkaroon pa siya ng confidence sa kanyang sarili at nakatulong rin ito sa pag-angat ng kanyang career. 


Comments

Popular posts from this blog

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!