Walking Hotdog: Kahit Na Sa Kanyang Kondisyon, Hindi Nagpatinag Ang Isang Lalaking Ito Upang Makapaghanap Buhay

Photo Credits: Neil Bote/ Facebook


Labis na kahanga-hanga ang mga taong masisipag at matitiyaga. May mga pagkakataon minsan na kung sino pa ang mga may iniindang mga karamdaman o di kaya ay may edad na ay sila pa ang mas pursigidong maghanap buhay at hindi nagiging pabigat sa kanilang pamilya.

Katulad na lamang ng isang stroke survivor na ito na kahit sa kanyang kondisyon ay pinagpapatuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho bilang isang 'walking hotdog' vendor.

Naibahagi sa isang Facebook post ng netizen na si Neil Bote ang kanyang paghanga sa isang lalaki na naglalako ng mga panindang hotdog sandwich. Kung mapapansin ay hindi pangkaraniwan ang kanyang ginagamit na gamit sa pagtitinda. Tila nakasuot ng metal na backpack na may parang mesa ang lalaki at doon ay nakalagay ang kanyang mga paninda.


Photo Credits: Neil Bote/ Facebook







































Ayon sa post ni Neil, ang "Walking Hotdog" project ay isang pangkabuhayang programa ng isang non-government organization.

"Salut to hardworking people like Mang Bobby mobile hotdog stand. He said this is "Walking Hotdog" project is a livelihood program for PWD run by foreign NGO. Mang Bobby is a stroke survivor."

Hinangaan ni Neil ang determinasyon at kasipagan ni Mang Bobby dahil kahit na sa kanyang kondisyon ay tinitiyak pa rin niyang may pangsuporta siya sa kanyang pamilya sa pamamagitan ng paghahanap buhay sa marangal na paraan. Isang napakagandang halimbawa si Mang Bobby na dapat tularan ng mga taong tamad maghanapbuhay at umaasa na lamang sa iba.






















Photo Credits: Neil Bote/ Facebook








































Makikita raw si Mang Bobby na naglalako paikot ikot sa may Reposo area sa Makati City. Araw-araw ay bitbit- bitbit niya ang kanyang mabigat na hotdog stand.

Wika ng isang netizen na hindi biro ang ginagawang paghahanap buhay ni Mang Bobby lalo na pa't nakakapagod at nakakangawit raw sa likod ang magbuhat ng ganitong uri ng stand at ilako pa ito araw-araw. Nawa'y maging inspirasyon raw sana sa iba ang kasipagan ni Mang Bobby.

 

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!