Posts

Showing posts from February, 2021

Anak Ng Jeepney Driver At Tindera, Ibinahagi Kung Paano Umunlad Ang Buhay At Naging Milyonaryo Sa Edad Na 24 Gulang

Image
  Lahat tayo ay naghahangad na magkaroon ng magandang kinabukasan. Sino ba naman ang hindi naghangad na yumaman at mabili ang lahat ng gusto?  Ibinahagi ng netizen na si Akio Kashiwagi ang kanyang naging daan patungo sa kanilang pag-unlad at pag-angat sa buhay. Aniya, hindi naman raw siya galing sa isang mayaman na pamilya. Ang kanyang ama ay isang jeepney driver samantalang ang kanyang ina ay nagtitinda ng kung anu-anong mga bagay tulad ng chocolate, siopao, Avon, MSE, at Dakki. Aniya na noong bata siya ay wala siyang pangarap dahil hindi naman siya magaling. Sa katunayan ay tinawag niya ang kanyang sarili na 'iskul bukol' dahil madalas raw ipatawag sa eskwelahan ang kanyang ina dahil imbes na lecture ang kanyang nasa notebook ay puro mga drawing. At inaabot pa sila ng kanyang kuya ng hating gabi kakalaro ng computer. Labing siyam na gulang siya ng nagmistulang magtanong tanong siya buhay. Aniya, gusto raw talaga niyang yumaman subalit hindi niya alam kung paano. Ang

Masipag Na Lolo Na Nagtitinda Ng Candy, Nagpaantig Ng Puso Sa Mga Netizens

Image
  Photo credit: Kym Manalaysay Talagang kahanga-hanga at nakaantig ng puso tuwing mayroong kang makikitang isang matanda na patuloy pa rin ang pagsisikap na makapagtrabaho sa kabila ng kanilang edad.  Ang karamihan kasi sa dahilan nila kung bakit pa rin nila ito ginagawa ay dahil ayaw nilang maging pasanin sa kanilang pamilya. Katulad na lamang ng isang lolong nagtitinda ng kendi na naibahagi ng netizen na si Kym Manalaysay. Ayon sa kanyang post ay hinihimok niya ang mga netizens na kung sino man raw ang madadaanan ang matanda ay sana ay bumili sila rito bilang tulong na rin sa lolo. Photo credit: Kym Manalaysay Aniya, "Guys! Please buy kay tatay kapag nagawi kayong Tayuman nandyan siya lagi sa harap ng Kings lalo na weekends at hapon." Nagbebenta diumano ang matanda ng mga kendi na siya mismo raw ang may gawa. Ang kada isang supot raw ng kendi na may apat na piraso ay nagkakahalagang bente pesos lamang. Dagdag ni Kym na ilang oras na raw nakatayo ang matanda doon sa

Pedicab Driver, Labis Ang Pasasalamat Ng Makita Ang Naging Doktor Ng Kanyang Anak Kahit Na Pa Ilang Taon Na Ang Nakalipas

Image
  Photo credits: Jimmy Dumlao/ Facebook Kapag talaga may mabuting nagawa ka sa iyong kapwa o naitulong sa kanila ay tatak at tatak ka sa kanilang isipan kahit na pa ilang taon na ang nakalipas. At talaga namang nakakataba ng puso kapag labis labis ang pasasalamat sa iyo ng iyong tinulungan. Isang doktor na nagngangalang Jimmy Dumlao ang nagbahagi ng kanyang naging karanasan na nagpaantig sa kanyang puso. Kwento niya, isang umaga raw habang naglalakad siya sa may Intramuros ay mayroong isang pedicab na huminto sa kanyang harapan. Tinawag siya diumano ng driver at sinabing "Excuse me po, Ser!" Noong una ay hindi niya raw ito pinansin ngunit nang batiin muli siya ng ng "Good morning, Doc!" ay napukaw ang kanyang atensyon dahil sa kanyang isip ay paano nalaman ng pedicab driver na isa siyang doktor samantalang hindi naman siya nakausot ng kanyang puting uniporme o may dala man lang na stethoscope.  Photo credits: Jimmy Dumlao/ Facebook Sumigaw ang driver at tin

Bagong Kasal, Nakatanggap Ng Mamahaling Mga Ari-Arian At Cash Bilang Regalo

Image
  Photo credits: Ma Arlyn Colindres Castillo Sa panahon ngayon, napakagastos magpakasal lalo na kung ang nais mo ay ang iyong dream wedding. Bukod sa dami ng mga preparasyon na dapat paghandaan ay ang kaakibat nitong gagastusin mula sa mga gowns, bulaklak, venue, pagkain etc. Ang ilang mga kinakasal, ang kinukuha nilang mga ninong at ninang ay iyong mga galante raw, para kahit papano ang mga matatanggap nilang mga regalo ay mga bigatin din. Pero kung ganito ba naman kagalante ang mga ninong at ninang na magbibigay sa inyo bilang panimula bilang mag-asawa ay talaga namang mapapa-sana all ka na lang! Pati ang mga magulang ng kinakasal ay napakagalante rin! Photo credits: Ma Arlyn Colindres Castillo Isang post ang naibahagi ng netizen na si Ma Arlyn Colindres Castillo na tungkol sa bagong kasal na ito sa Tagum City. Bukod sa bonggang wedding ay napaka-bongga din kasi ng mga natanggap na regalo ng bagong mag-asawa. Aniya, "The Most Trending Wedding in Tagum Davao del Norte I

Concerned Netizen, Nanghingi Ng Tulong Para Sa Kanyang Nakaka-awang Matandang Kapitbahay Na Pinabayaan Na Ng Mga Anak

Image
  Photo credit: Jenny Rose Leonardo Ventura/ Facebook Ayon nga sa kasabihan, utang raw ng mga anak ang kanilang buhay sa kanilang mga magulang. Bilang isang magulang, napaka sakit  lang maranasan na kapag ang mga inaruga at pinalaki mong mga anak ay saka ka na lamang iiwan at papabayaan kapag ikaw ay matanda na.  Oo nga't may karapatan ang mga anak na magkaroon ng sariling buhay kapag sila ay tumanda na at may mga nakapagsasabi din na hindi raw obligasyon ng mga anak na sustentuhan ang kanilang mga magulang.  Subalit huwag naman sanang umabot sa punto na kapag nagkaroon na ng sari-sariling buhay o pamilya ang mga anak ay hahayaan na lamang basta basta ang kanilang mga magulang na nag-palaki sa kanila lalo na kapag tumanda na ang mga ito. Katulad na lamang ng isang matandang lalaking ito. Isang concerned kapitbahay ang nanghingi ng tulong sa social media para sa kanyang matandang kapitbahay na kaawa-awa ang sitwasyon dahil diumano ay iniwan na raw at pinabayaan ng kaniyang

Proud Na Anak Ng Brgy. Tanod At Kasambahay, Nakapagtapos Bilang Cum Laude

Image
  Photo credit: Philippine Star/ Facebook Hindi dapat binabase sa estado ng buhay kapag nais mong makamit ang iyong mga pangarap. Hindi porket ibig sabihin na mahirap ka ay wala ka ng pag-asang magtagumpay. Sa halip ay dapat mo pang pagpursigihan upang unti-unti mong maabot ang iyong mga mithiin sa buhay. Isang proud na anak ng isang brgy. tanod at kasambahay ang nagbahagi ng kanyang success story kung papaano siya nakapagtapos sa kolehiyo at na bilang isang cum laude pa. Ang 21 taong gulang na si Jhonrick Art Catindoy Orense ay nakapagtapos ng Bachelor of Arts in Journalism sa International Peace Leadership College sa Tanay, Rizal.  Photo credit: Philippine Star/ Facebook Salat man sa buhay ang kanilang pamilya ay pinagpursigihan pa niya ang kanyang pag-aaral at na-maintain niya ang kanyang pagiging iskolar hanggang siya ay makapagtapos. Noong pagkatapos niya sa high school, ang sabi ng kanyang mga magulang ay mag-TESDA na lamang siya at magtrabaho dahil wala raw silang pera.

Pagkamahal-mahal Na Mga Kakaibang Bagay Na Binebenta Online, Pinagkaguluhan Ng Mga Netizens

Image
  Photo credits: Jerome Cawaling II/ Facebook Kung dati rati ay kailangan mo pang pumunta sa isang physical store para bumili ng iyong mga nais, ngayon sa isang click lamang sa iyong cellphone ay maaari mo nang mabili ang kahit na anong hanap mo sa mga online selling apps katulad na lamang ng Shopee at Lazada. Subalit dapat ay maging mabusisi at maingat pa rin sa pagbili sa online dahil di pa rin natin talaga maiiwasan na mayroong mga taong nanloloko. Isang netizen na nagngangalang Jerome Cawaling II ang nagbahagi ng mga larawan sa kanyang Facebook account na kung saan ipinakita ang mga kakaibang mga bagay na binebenta sa Lazada na pagkamahal-mahal. Photo credits: Jerome Cawaling II/ Facebook Aniya, "Legit nga yung campaign slogan ng Lazada. Nasa Lazada yan." Sa isang commercial kasi ng nasabing online selling app ay halos mabibili mo na raw lahat ng hanap mo dito.  Katulad na lamang ng mga larawang ibinahagi ni Cawaling tulad ng hiyas ng reyna ng langgam na nagk

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Image
Photo credits: Earl Archievan Calixtro/ Facebook   May mga pagkakataon na ang kapwa natin ay nangangailangan ng tulong. Hindi man sila lumapit sa iyo, kung nakikita mo naman kung ano ang kanilang kalagayan ay kusa mo dapat silang tulungan dahil iyon ang tama at mabuting gawain. Isang kwento ng isang nakakaawang lalaki ang naibahagi ng netizen na si Earl Archievan Calixtro sa kanyang Facebook account. Kwento niya, napadpad raw siya sa Pampanga upang mananghalian sa fastfood chain na Mcdonald's nang may isang lalaking pumasok sa store at umorder. Umupo raw ito sa mesa kalapit sa kanya at pagdating ng kanyang inorder, ay isang tasang kanin lamang ito at tubig. Photo credits: Earl Archievan Calixtro/ Facebook Naawa siya sa kanyang nakita dahil kanin lamang ang kinakain ng lalaki at walang ulam. Nilapitan niya ito at tinanong kung gusto pa niya ng makakain at um-oo naman ito dahil nagugutom raw siya at kulang ang kanyang perang pambili ng pagkain. Kaya naman umorder si Earl ng

Kahit Pumalpak Ang Serbisyo, Customer Mas Piniling Intindihin Ang Isang Delivery Rider

Image
Photo credits: Google image, Ma Riz/Facebook Ayon nga sa kasabihan, "The customer is always right." Subalit mayroon talagang mga pagkakataon na nakakatanggap pa rin tayo ng poor o bad customer service.  Bilang isang customer, may karapatan tayong magsampa ng reklamo kung ang serbisyong natatanggap natin ay mali o hindi tama. Ang hindi tama ay ang magalit agad agad at idinadaan sa pagtaas ng boses o pamamahiya ng isang taong nagbibigay ng nasabing serbisyo. Isang netizen ang nagbahagi ng kanyang saloobin patungkol sa bad service na kanyang natanggap mula sa isang delivery man. Gayunpaman, hindi raw niya ito pinahiya sa halip ay nagpakita siya ng kabutihan at pag-intindi dito. Photo credits: Ma Riz/ Facebook Ayon sa post Facebook post ni Ma Riz, "It was a bad service today Food Panda. The food arrived very late, coffee was already cold, sauce was spilled, rider was not contacting me." Ang dahilan pala ay baguhan lamang daw ang rider kung kaya't hindi pa

Mabait Na Lalaki Tinulungan Ang Isang Lolang Nanlilimos At Naglalakad Para Makauwi Sa Kanilang Probinsya

Image
  Photo taken: Pugong Byahero/ Youtube Kahit gaano man kasalimuot ang pinagdadaanan, darating talaga ang oras na mayroong ipapadalang 'anghel' sa iyo ang Panginoon. At ito ay ang mga taong tinatawag na 'good samaritan' na handang tumulong sa iyo kahit hindi mo sila kaano-ano. Sa isang Youtube channel na Pugong Byahero ay naitampok ang isang lola na nakitang naglalakad at nanlilimos sa kanyang mga nadaraanan dahil wala itong pamasahe pauwi sa kanilang probinsya. Kwento ng vlogger na nakita niya ang matanda na nakilala bilang Aling Soledad Garcia, 68 taong gulang, na naglalakad sa may San Pedro, Laguna at napansin niya na sa bawat paghinto nito ay nanlilimos siya.  Photo taken: Pugong Byahero/ Youtube Nang tanungin kung bakit siya nanlilimos ay wika ng matanda na naubusan raw ito ng pamasahe pauwi sana sa kanila sa Ternate, Cavite. Pinuntahan raw kasi niya ang kanyang pamangkin na nagtatrabaho sa isang fastfood chain subalit nailipat na pala ito sa ibang branch.

Hinangaan: Lolo Na Magtataho Na Sinisikap Parin Kumayod Para Asawa, 10 Anak At Mga Apo

Image
  Photo credits: Mika Ramos/ Facebook, Felix Endrina/ Facebook Kahanga-hanga talaga ang mga ama na hindi binibitawan ang kanilang responsibilidad sa kanilang pamilya. Minsan kahit na pa sila ay may edad na ay pinagpapatuloy pa rin nila ang paghahanap buhay para mayroon pa rin silang mapangtutustos sa kanilang pamilya hanggang sa kanilang mga apo. Katulad na lamang ng 64 taong gulang na lolong ito na si Mang Felix Endrina na ang paghahanap buhay ay pagtataho. Kahit na pa sa kanyang edad, ay di niya iniinda ang pagod at bigat ng kanyang pinapasang panindang taho para lamang matustusan ang pang araw-araw na gastusin ng kanyang pamilya.  Photo credits: Felix Endrina/ Facebook Kinukuha niya ang suplay ng taho sa kanilang kapitbahay na siya namang ibebenta niya simula 6 ng tabi hanggang 2 ng madaling araw. Kapag raw may customer na nag-text sa kanya na nagtatanong kung may tinda ba itong taho ay kanya raw itong pinupuntahan at nilalakad lamang niya. Isang netizen naman na nagngangal

Lolo Na Biker At Vlogger Na Hangad Ay Magbigay Saya, Namimigay Ng Mga Laruan Sa Mga Bata Sa Lansangan

Image
  Photo credits: Joseph Allain Eliseo/ Facebook, Bike Camper Jbelo Napakarami ng sumisikat gamit ang social media platform na Youtube. Sa katunayan, kaya marami na ngayon ang nag-uupload at gumagawa ng kani-kanilang mga vlogs ay dahil maaari itong mapagkakitaan. Katulad na lamang ng isang 59 taong gulang na biker at vlogger na ito na nakilala bilang Joey belo na mayroong Youtube channel na pangalangan ay Bike Camper Jbelo. Isa sa mga adbokasiya ni Joey ay makapagbigay saya sa mga bata sa lansangan at maging inspirasyon sa online community. Bukod sa kanyang mga travel vlogs ay makikita sa kanyang mga uploaded videos ang pamimigay ng mga used toys sa mga street children. Photo credits: Joseph Allain Eliseo/ Facebook Isang netizen na nagngangalang Joseph Allain Eliseo ang naanyayahang manuod ng vlogs ni Jbelo. Nagkrus ang kanilang landas habang naglalakad raw si Eliseo sa Montillano St. at nabigyan ng flyer ni Jbelo. Narito ang kanyang post, "NAPAKATINDI. KUYA! Nood ka sa v

Wow! Pinoy Artist Iginuhit Ang 'Last Supper' Sa Isang Kapirasong Resibo Gamit Lamang Ay Mga Ballpen

Image
  Photo credits: James Abayon Lolo/ Facebook Ang bawat likha ng isang artist ay isang masterpiece.  Kamakailan ay nag-viral sa social media ang iginuhit ng isang Pinoy artist na si James Abayon Lolo na taga Tagum City sa Davao. Sa mga larawan na kanyang ibinahagi sa Facebook ay makikita ang isang resibo na may nakaguhit na 'Last Supper.' ang isa sa mga kilalang paintings ni Leonardo da Vinci. Sa unang tingin ay parang naka-imprenta lamang ito ngunit kung pagmamasdang mabuti ay iginuhit ito gamit lamang ay mga ballpoint na ballpen. Aniya sa kanyang post, "Hello there fb friends and fellow artists. I just want to share this artwork I make using receipt. This is freehandly draawn using ballpoint pens. I enjoyed doing these kind of art style since its not just enhances my skills but my patience at the same time." Photo credits: James Abayon Lolo/ Facebook Ang orihinal na 'Last Supper' painting ay sinimulan noong taong 1495-96 at natapos makalipas ang tat