Bagong Kasal, Nakatanggap Ng Mamahaling Mga Ari-Arian At Cash Bilang Regalo

 

Photo credits: Ma Arlyn Colindres Castillo

Sa panahon ngayon, napakagastos magpakasal lalo na kung ang nais mo ay ang iyong dream wedding. Bukod sa dami ng mga preparasyon na dapat paghandaan ay ang kaakibat nitong gagastusin mula sa mga gowns, bulaklak, venue, pagkain etc.

Ang ilang mga kinakasal, ang kinukuha nilang mga ninong at ninang ay iyong mga galante raw, para kahit papano ang mga matatanggap nilang mga regalo ay mga bigatin din.

Pero kung ganito ba naman kagalante ang mga ninong at ninang na magbibigay sa inyo bilang panimula bilang mag-asawa ay talaga namang mapapa-sana all ka na lang! Pati ang mga magulang ng kinakasal ay napakagalante rin!

Photo credits: Ma Arlyn Colindres Castillo

Isang post ang naibahagi ng netizen na si Ma Arlyn Colindres Castillo na tungkol sa bagong kasal na ito sa Tagum City. Bukod sa bonggang wedding ay napaka-bongga din kasi ng mga natanggap na regalo ng bagong mag-asawa.

Aniya,

"The Most Trending Wedding in Tagum Davao del Norte I've heard so far. TORRES- LUPIO NUPTIAL... held @ Sea World Oasis Resort, Pantukan Davao De Oro.

Mapapa sana all ka sa mga regalo...

#10 Million worth of House from their Parents...

#2 square meter lot from their Parents

#20,000 USD Cash Gift from their Parents

#68,000 php Cash Gift from ninangs, ninongs, relatives and friends

# at iba pa... from ninongs, ninangs, relatives and friends..."

Talaga namang napaka-swerte ng bagong kasal na sina Mr. & Mrs. Marvin At Keeshia Lupio dahil wala na silang aalalahanin pa bilang panimula sa kanilang bagong buhay bilang mag-asawa dahil sinagot na ng kanilang mga magulang ang sampung milyong halaga na bahay at binigyan pa sila ng 2,000 sqm na lupa.


Photo credits: Ma Arlyn Colindres Castillo


Bukod pa roon ay nakatanggap pa sila ng pera na higit sa isang milyon ang halaga mula sa magulang, ninong, ninang, mga kamag-anak at mga kaibigan.

Pabirong komento ng mga netizens, ay kung maaari rin daw nilang kunin bilang ninong at ninang ang mga dumalo sa engrandeng kasalan na ito!

Gayunpaman, congrats sa newly wed!

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!