Bouquet na mayroong iba't ibang mga nilalaman, Kinaaliwan ng mga netizens

Photo from: Tom sawyer memes/ Facebook

  Ang pagbibigay ng bouquet sa iyong kasintahan ay simbulo ng iyong pagmamahal. Sa darating na Araw ng mga puso, tiyak na uulan na naman niyan ng mga bulaklak at chocolates. 

Subalit sa panahon ngayon, praktikal pa ba ang magbigay ng mga bulaklak? Samantalang bukod sa mahal na ang presyo ng mga ito ay malalanta lang pagkalipas ng ilang araw at di na mapapakinabangan. Kung kaya't nauso na ngayon ang iba't ibang pakulo ng mga netizens sa mga bouquet.

Sa isang Facebook page na Tom sawyer memes ay naibahagi ang larawan ng isang bouquet na kung saan imbes na bulaklak dapat ay mga iba't ibang pampahid sa katawan ang nakalagay katulad ng efficascent oil, katinko, omega at mga inhaler. 

Photo from: Tom sawyer memes/ Facebook


Tiyak na magugustuhan ito ng mga nagkaka-edad na dahil ito ang mga kailangan upang matanggal ang sakit ng kanilang mga kasu-kasuan at katawan. At lahat ng mga ito ay talagang magagamit at mapapakinabangan.

Pabirong komento ng isang netizen, "Pang mga senior citizen na magdi-date sa 14 hehehe"

Wika naman ng isa, "Katinko is life sis, kulang na lang gawing pendant sa kwintas."

"Kahit wag na flower yung white flower na lang sapat na hahaha." Saad naman ng isa.

Samantala ang ibang mga netizens naman ay nagbahagi rin ng kani-kanilang kakaibang bouquet na nirerequest sa kanilang mga kasintahan.


Ang isa ay nagrequest ng isang 'gulay bouquet' na ang nilalaman ay mga talong, broccoli, sitaw, carrots, bell pepper at mushroom. Ang isang netizen naman ay nagbahagi ng 'coffee bouquet' na naglalaman ng napakaraming sachet ng kape. Para daw ito sa mga coffee lover o mga mahilig sa kape. 

Isang netizen naman ang nabigyan ng bouquet ng Katinko liniment at sabi, "Best gift ever. Bouquet of Katinko. Mapapasana all kana talaga! Tita na tita!"

Photo from: Katinko/ Facebook

Gayunpaman, may matanggap ka mang bouquet o wala sa Valentine's Day ang importante naman ay kasama mo ang iyong mahal sa buhay.

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit