Lalaki na nagpropose sa kanyang nobya sa isang sikat na fastfood chain, kinakiligan

 

Photo credits:  The Budgetarian Bride/Facebook

Nauso na ngayon ang 'unique' na paraan ng pagpo-propose sa kanilang mga kasintahan. Iba-iba rin ang mga pakulo ng mga lalaki pagdating dito. Ang ilan pa nga ay talagang pinaghahandaan nila ito at ginagawang magarbo. Subalit ang ilan naman ay mas pinipili lamang nila itong simple at low key.

Ang importante lang naman kasi ay ang sagot ng iyong minamahal na isang matamis na 'oo' kapag tinanong ka niya ng 'Will you marry me?'

Kagaya na lamang istorya ng soon-to-be bride na si Angela Gracella Nepomuceno. Aniya sa kanyang Facebook post,

"Not the most expensive ring, but the most valuable!"

Photo credits:  The Budgetarian Bride/Facebook

Nagpropose kasi sa kanya ang kanyang nobyo na si Jayson Santos habang sila ay kumakain sa isang sikat na fastfood chain. Sino ba ang mag-aakala na habang sila ay kumakain lang ay nilabas ng kanyang nobyo ang kahon na may lamang singsing at saka ipinakita lamang sa pamamagitan ng kanyang cellphone ang mga katagang 'Will you marry me?'

Sa ikalawang larawan ay makikitang tinanggap na ni Angela ang singsing at suot na niya ito sa kanyang daliri na ang ibig sabihin ay ibinigay na niya ang kanyang matamis na 'oo.'

Dagdag ni Angela sa caption,

"Di maalis na ngiti sa muka ko habang kumakain, napaka epic! Salamat kasi ikaw ang dumating at hindi iba! I love you. #SoontobeMrsSantos #KFCproposal"

Photo credits:  The Budgetarian Bride/Facebook

Inulan naman ng pagbati mula sa netizens ang bagong engaged na couple. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

"Not the price or the size but the value behind the ring and the promise to love you for the rest of your life."

"Hindi magastos na proposal is the best. Hihi. Yung ring namn dito sa shopee lang din nabili, nagviral pa."

"Pandora is actually good. The ring's price has no meaning if it is not filled with love and emotion."

Sagot ni Angela, hindi daw original na pandora ang regalo ng kanyang magiging asawa pero always worth it. 

Hindi mahalaga kung mura o mahal man ang singsing na iyong matatanggap, ang importante ay ang tunay at wagas na pagmamahalan niyong dalawa.

Congrats Mr. and Mrs. Santos!

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Bansang Japan, Namimigay ng Libreng mga Abandonadong Bahay sa Kung Sino Man ang Gustong Tumira

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!