Lolo Na Biker At Vlogger Na Hangad Ay Magbigay Saya, Namimigay Ng Mga Laruan Sa Mga Bata Sa Lansangan

 

Photo credits: Joseph Allain Eliseo/ Facebook, Bike Camper Jbelo

Napakarami ng sumisikat gamit ang social media platform na Youtube. Sa katunayan, kaya marami na ngayon ang nag-uupload at gumagawa ng kani-kanilang mga vlogs ay dahil maaari itong mapagkakitaan.

Katulad na lamang ng isang 59 taong gulang na biker at vlogger na ito na nakilala bilang Joey belo na mayroong Youtube channel na pangalangan ay Bike Camper Jbelo.

Isa sa mga adbokasiya ni Joey ay makapagbigay saya sa mga bata sa lansangan at maging inspirasyon sa online community. Bukod sa kanyang mga travel vlogs ay makikita sa kanyang mga uploaded videos ang pamimigay ng mga used toys sa mga street children.

Photo credits: Joseph Allain Eliseo/ Facebook


Isang netizen na nagngangalang Joseph Allain Eliseo ang naanyayahang manuod ng vlogs ni Jbelo. Nagkrus ang kanilang landas habang naglalakad raw si Eliseo sa Montillano St. at nabigyan ng flyer ni Jbelo. Narito ang kanyang post,

"NAPAKATINDI.

KUYA! Nood ka sa vlog ko ha! Kahit isang view lang!"

Nang tanungin ni Eliseo si Jbelo kung para saan iyon ay ang sinabi sa kanya ay para raw yung kikitain niya sa kanyang channel ay gagamitin para makapagbigay ng mga laruan sa mga batang lansangan.

"Sobrang cool neto ni kuya, may bike siya tas may parang tahanan siya dun sa likod for storage for toys na bibigay niya sa street children, ani Eliseo.

Photo credits: Bike Camper Jbelo


Kaya naman sa pamamagitan ng Facebook post ay hinikayat ni Eliseo ang mga netizens na manuod at magsubscribe sa channel ni Jbelo dahil may kapupuntahan ang kung anu man ang kikitain nito. 

Napag-alaman rin na kaya sinimulan ni Jbelo ang kanyang adbokasiyang ito ay dahil sa hilig niya ang pagbibisikleta at gusto niyang nagbibigay saya sa mga bata dahil naranasan rin daw niyang tumira sa lansangan.

Photo credits: Bike Camper Jbelo


Aniya, "Batang kalye din ako noon, at hindi ako madalas mag-stay sa bahay kasi maliit lang tirahan namin noon."

Kaya naman napukaw niya ang atensyon ni Eliseo dahil sa kanyang kabaitan at taos pusong makapagbigay ng saya sa mga kabataan.


Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!