Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

 

Photo credits: BBs Sweets/ Facebook

Mapapa-sana all na lang tayo sa isang magsasaka na ito na nakatanggap ng 'money bouquet' sa kanyang kaarawan.

Abot langit ang saya ni Mang Larry Longboy na taga Dingras, Ilocos Norte matapos mayroong nagdeliver sa kanya ng isang napakalaking bouquet na naglalaman ng pera. Isa itong birthday surprise sa kanya ng kanyang mga kaanak sa abroad.

Bahagi ng Facebook page na BBs Sweets, ginamit raw ang kanilang serbisyo upang maiabot kay Mang Larry ang regalo na ito na mula sa kanyang mga kapamilya. Kilala kasi ang negosyong ito sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga sentimental gifts. Kaya imbes na mga bulaklak ang nakalagay sa bouquet ay tumataginting na Php200,000.

Photo credits: BBs Sweets/ Facebook


Ayon sa post ng BBs Sweets,

"Isang magsasaka sa Dingras Ilocos Norte ang nakatanggap ng halagang 200k. Dahil nahihirapan siyang magbabad sa bukid kasama ang kalabaw ganun narin ang kanyang edad kaya naisipan ng mga nagmamahal sa kanya, lalo na sa abroad na bigyan siya ng regalo at eto ang bumili ng sasakyang pang bukid (tractor). Ginamit ang aming serbisyo para ipaabot ang kanilang pagmamahal para kay tatay Larry."

Dagdag pa nila,

"Ang kabutihan ng isang tao ay may magandang epekto sa iba. Makikita sa gawa ang magandang katangiang ito. Hindi matutumbasan nga talaga ng anumang HALAGA  ang SAKRIPISYONG iyong ibinuhos para sa iyong pamilya, kaibigan o sa ibang tao. Darating ang araw na BLESSING din ang igagawad sa kabutihang iyong pinamalas tatay Larry!"

Photo credits: BBs Sweets/ Facebook

Samantala, isang kamag-anak naman ni Mang Larry ang nagkomento at nagpasalamat sa BBs Sweets at nagbigay ng update na kinabukasan matapos maganap ang sorpresa at matanggap ang pera ay bumili na agad ng traktora sa Mang Larry. 

Hinangaan naman ng mga netizens si Mang Larry dahil sa tamang paggamit niya ng perang kanyang natanggap. Dahil ginamit niya raw ito sa pagbili ng importanteng bagay na mapapakinabangan niya at para siya ay kumita pa. 

Comments

Post a comment

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Kalunos-lunos Ang Sinapit Ng Isang Nanay Matapos Siyang Buhusan Ng Kaning Baboy Ng Kanyang Anak

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nanay Hirap Na Hirap Kandungin Ang Kanyang Anak Na Nakatulog, At Ang Masama Ay Wala Man Lang Nag-alok Sa Kanya Ng Upuan