Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak


Photo credit: Angel Perez/ Facebook

Kinukuha ang mga ninang at ninong sa binyag upang maging saksi sila sa paglaki ng batang binibinyagan. Bukod sa mga magulang ng bata ay tungkulin ng mga ninong at ninang na magsilbing gabay sa paglaki ng bata.

Naging tradisyon na lamang sa atin na kapag kinuha kang ninong o ninang ay mabibigay ka ng regalo sa iyong inaanak. Pero ang isang ninang na ito ay sobra naman ang hinihinging regalo sa kanya ng magulang ng kanyang magiging inaanak.

Naibahagi ng netizen na si Angel Perez ang naging sagutan nila ng kanyang kumare nang siya ay yayaing maging ninang sa binyag. Noong una ay kinumusta siya ng kanyang kaibigan at nasabi na kukunin nga siya bilang ninang sa nalalapit na binyag ng anak nito.

Photo credit: Angel Perez/ Facebook


Pumayag naman siya noong una subalit tila napa-atras siya ng sabihin sa kanya ng kanyang kaibigan na kung pwede na siya raw ang magbayad ng 3 layered cake at 24 cupcakes ng kanyang magiging inaanak. Bukod pa roon ay may babayaran pa siya ng Php800 sa simbahan.

Natanong niya kung seryoso ba daw ito. Dahil malaki-laking halaga rin ang kanyang sasagutin kung sakali at hindi niya raw 'keri' magbayad ng ganitong kamahal lalo na't marami rin silang mga gastusin sa bahay.

Sinabi naman ni Perez na babawi na lamang siya sa susunod kapag 'stable' na sila ng kanyang pamilya sa pinansiyal na aspeto ngunit talagang nagpupumilit ang kanyang kumare.

Photo credit: Angel Perez/ Facebook


Ano ba naman daw ang limang libo samantalang seaman naman daw ang asawa ni Perez. At muli pang humirit ang kanyang kaibigan na kukunin na daw niya mamaya sa kanya ang pera upang siya na raw ang magpagawa ng cake at para hindi na maabala si Perez.

Ngunit sinabi ni Perez na hindi talaga niya kaya ang ganoong halaga. Sa bandang huli ay tila hindi na siya kinukuhang mag-ninang sa binyag. 

Mas mabuti ngang huwag na lang, napakademanding naman kasi!

Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Kalunos-lunos Ang Sinapit Ng Isang Nanay Matapos Siyang Buhusan Ng Kaning Baboy Ng Kanyang Anak

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nanay Hirap Na Hirap Kandungin Ang Kanyang Anak Na Nakatulog, At Ang Masama Ay Wala Man Lang Nag-alok Sa Kanya Ng Upuan