Pagkamahal-mahal Na Mga Kakaibang Bagay Na Binebenta Online, Pinagkaguluhan Ng Mga Netizens

 

Photo credits: Jerome Cawaling II/ Facebook

Kung dati rati ay kailangan mo pang pumunta sa isang physical store para bumili ng iyong mga nais, ngayon sa isang click lamang sa iyong cellphone ay maaari mo nang mabili ang kahit na anong hanap mo sa mga online selling apps katulad na lamang ng Shopee at Lazada.

Subalit dapat ay maging mabusisi at maingat pa rin sa pagbili sa online dahil di pa rin natin talaga maiiwasan na mayroong mga taong nanloloko.

Isang netizen na nagngangalang Jerome Cawaling II ang nagbahagi ng mga larawan sa kanyang Facebook account na kung saan ipinakita ang mga kakaibang mga bagay na binebenta sa Lazada na pagkamahal-mahal.

Photo credits: Jerome Cawaling II/ Facebook

Aniya,

"Legit nga yung campaign slogan ng Lazada. Nasa Lazada yan."

Sa isang commercial kasi ng nasabing online selling app ay halos mabibili mo na raw lahat ng hanap mo dito. 

Katulad na lamang ng mga larawang ibinahagi ni Cawaling tulad ng hiyas ng reyna ng langgam na nagkakahalaga raw na Php6, 095, hiyas ng ahas na tumataginting na Php7, 000 ang presyo, at mutya ng kaloob ng diwata na nagkakahalagang Php 4, 595.



Photo credits: Jerome Cawaling II/ Facebook


Wala namang patunay kung mahiwaga ang mga bagay na ito kung kaya't ganito na lamang kamahal ang mga presyo dahil kung titignang mabuti ay parang mga bato lang ang mga ito na may ibat't ibang kulay.

Nang makita ito ng mga netizens sa social media ay dinagsa ito ng iba't ibang mga komento at ang iba ay pinagkatuwaan na lamang ito. Narito ang ilan sa kanilang mga komento.

"Sangkap ata sa pang kukulam yan e, haha."

"Baka may brilyante rin ng encantadia jan"

"Hahaha Ang mamahal!"

"Now ko lang nalaman may pangil ang kidlat."

Kaya kapag mahilig kayong bumili sa online, tiyaking mabuti ang inyong binibili at huwag padalos dalos. Dahil ang ilan, kung anu-ano lamang ang kanilang mga pinopost kumita lamang ng pera. Huwag kaagad magpapadala sa mga nakikita at nababasa.

At siguraduhin na nabasa mo ng maigi ang mga description at mga reviews ng mga items bago mo ito i-add sa iyong cart.


Comments

Popular posts from this blog

Netizen Naawa At Tinulungan Ang Isang Lalaking Nag-order Lang Ng Isang Cup Ng Kanin At Tubig Sa Isang Fastfood Chain

Ninang Sa Binyag, Sapilitang Pinapabayad Sa Kanya Ang 3 Layer Cake At Mga Cupcake Ng Inaanak

Bata Naka-order Ng 42 Pirasong Chicken Fillet At Fries Dahil Sa 'Internet Connection Error'

Dating Aktres na si Thalia na Gumanap na Marimar, Ito na ang Buhay Niya Ngayon! Maganda Pa rin at Walang Pinagbago!

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!