Wow! Pinoy Artist Iginuhit Ang 'Last Supper' Sa Isang Kapirasong Resibo Gamit Lamang Ay Mga Ballpen

 

Photo credits: James Abayon Lolo/ Facebook

Ang bawat likha ng isang artist ay isang masterpiece. 

Kamakailan ay nag-viral sa social media ang iginuhit ng isang Pinoy artist na si James Abayon Lolo na taga Tagum City sa Davao. Sa mga larawan na kanyang ibinahagi sa Facebook ay makikita ang isang resibo na may nakaguhit na 'Last Supper.' ang isa sa mga kilalang paintings ni Leonardo da Vinci.

Sa unang tingin ay parang naka-imprenta lamang ito ngunit kung pagmamasdang mabuti ay iginuhit ito gamit lamang ay mga ballpoint na ballpen. Aniya sa kanyang post,

"Hello there fb friends and fellow artists. I just want to share this artwork I make using receipt. This is freehandly draawn using ballpoint pens. I enjoyed doing these kind of art style since its not just enhances my skills but my patience at the same time."

Photo credits: James Abayon Lolo/ Facebook

Ang orihinal na 'Last Supper' painting ay sinimulan noong taong 1495-96 at natapos makalipas ang tatlong taon. Inirerepresenta nito ang senaryo na kung saan si Jesus ay kumakain ng hapunan kasama ang kanyang mga apostoles. 

Dito naman sa drawing ni James, sinimulan niya munang iginuhit ang larawan ni Jesus bilang nasa gitna ng larawan at sinundan ng kanyang mga apostoles sa kaliwa at sa kanan. 

Maraming netizens ang namangha sa kakaibang detalye at sa mga matitingkad na kulay na ginamit ni James para maiguhit ito. Ang ilan ay di pa makapaniwala dahil ang pag-aakala nila ay oil ang ginamit dito. 


Photo credits: James Abayon Lolo/ Facebook

Pero mayroon ding mga netizens na nanghinayang dahil bakit raw sa isang resibo lang ito iginuhit at hindi sa isang malinis na canvas. Ngunit ang sabi naman ng artist na wala namang nasayang rito dahil ginawa niya ito upang mas mahasa ang kanyang talento.

Dagdag niya, 

"Go beyond on your creativity lang guys, don't restrain yourself just because of insufficient art materials. You can make a masterpiece with all the things and and stuffs around you. 

Sana magustuhan niyo. Last Supper of the Great Leonardo da Vinci. Ballpoint on receipt."

Photo credits: James Abayon Lolo/ Facebook

Hindi lamang ito ang unang pagkakataon na ipinamalas niya ang kanyang galing sa pagdo-drawing gamit ang ballpoint pens. Sa mga ibang larawang naibahagi ay mayroon rin siyang mga iginuhit na larawan nila Lebron James at Monalisa. 

Ang galing!



Comments

Popular posts from this blog

Ukay-ukay Seller, May Nakakapangilabot Na Karanasan Sa Kanyang Binebentang Pulang Polo Shirt

Magsasaka Na Nakatanggap Ng Money Bouquet, Ginamit Ang Pera Pambili Ng Traktora

Magkapatid, Iniwan at Di Na Binalikan Ng Kanilang Ina Na Ang Sabi Ay Bibili Lang Ng Payong

Nagdulot Ng Katatawanan Ang Nakain Ng Isang Netizen Na "Mantikang Baboy Ice Cream"

Ginawa Ng Estudyanteng Ito Ang Improvised Ballpen Na Gawa Sa Kahoy Dahil Pursigido Siyang Makapag-aral Kahit Wala Siyang Gamit