Dating Panadero Nagsumikap Para Makapagtapos Ng Pag-aaral Ng Medisina, Ngayon Ay Isa Ng Ganap Na Doktor

Photo credits: Philippine Star/ Facebook Wala nga talagang imposible basta't ikaw ay masipag at matiyaga. Katulad na lamang ng isang doktor na ito na bago pa man niya naabot ang kanyang propesyon ay matinding sakripisyo muna ang kanyang pinagdaanan sa buhay. Bahagi ng Facebook page na Philippine Star sa isang post ay ang 37 taong gulang na doktor na ito na kakapasa lamang sa Physician Licensure Examination. Ibinahagi ng dating working student na si Rommel Abellar Amos na taga Eastern Samar ang kanyang pagsisikap para makapagtapos sa kanyang pag-aaral at ang kanyang pag-iipon na umabot ng dalawang taon upang mapagpursigihan ang kanyang pangarap na maging isang doktor. Photo credits: Philippine Star/ Facebook Kwento niya na kakaunti lamang raw kasi ang mga medical doctors sa kanilang probinsya lalo na't sila ay nasa remote area kung kaya't ito ang naghikayat sa kanya na mag-aral siya ng medisina. Ngunit bago man ito, nagtrabaho muna siya bilang isang boy sa isang