Estudyante Na Gumawa Ng Improvised Oven Para Maka-Attend Sa Kanilang Online Cooking Class, Hinangaan

 

Photo from: Philippine Star/Facebook

"If there's a will, there's a way," ika nga. 

Yan ang pinatunayan ng isang second year college student na taga Davao dahil sa kanyang sariling paggawa ng isang improvised oven.

Ayon sa post ng Facebook page na Philippine Star, ang madiskarteng estudyante ni Professor Raymond Minoza sa Holy Cross of Davao College ay gumawa ng kanyang sariling improvised oven para sa kanilang online baking class.

Gamit ang mga bagay na mayroon lamang siya ay nakagawa ito ng oven na gawa lamang sa lumang lata ng biscuit, buhangin, metal screen at wires.

Photo from: Philippine Star/Facebook


Sinabi raw kasi ni Professor Minoza sa kanyang mga estudyante na nais niyang makita ang kanilang mga oven na ginagamit upang macheck kung tamang temperatura ang kanilang ginagamit sa pagbe-bake.

Ani Minoza, na-touch raw siya sa kanyang estudyante dahil proud pa nitong ipinakita sa kanya ang alternative oven nito.

Wika ng guro, na ang kanyang estudyanteng si Jovel Bante ay talagang napakasipag at likas na mayroong taglay na potensyal sa pagiging isang chef balang araw.

Photo from: Philippine Star/Facebook


Sa ulat ng Philippine Star, sinabi raw ni Bante na ginawa talaga niya ang oven na iyon upang makasali sa kanilang laboratory class dahil wala naman talaga silang totoong oven sa bahay.

Saad ng 21 taong gulang na estudyante, na kung ang klase nila ay hindi sana virtual ay magkakaroon siya ng pagkakataong makapag-ensayo ng pagluluto sa eskwelahan.

Aniya, "Gustong gusto ko talaga. Pangarap ko po yan. Gusto ko makapagtrabaho sa barko bilang chef."

Photo from: Philippine Star/Facebook

Sa post ni Minoza ay pinasalamatan niya ang kanyang estudyante sa pagiging masipag nito at sa pag-inspire sa kanya. 

Talagang kapag gusto, may paraan! 

Hindi ibig sabihin na dahil walang totoong oven ang estudyante sa kanilang bahay ay magiging rason na ito upang hindi siya umattend ng kanilang online baking class. Sa halip ay pinatunayan pa niya ang kanyang pagiging 'resourceful' at hindi basta basta sumuko.

Tiyak na malayo ang mararating nito!

Comments

Popular posts from this blog

Ito ang Benepisyo ng Paglagay ng Sibuyas sa Loob ng Medyas sa Paa na Dapat Ninyong Subukan!

Natural at Mabisang Paraan Para Mawala Ang Mga Langgam sa Bahay

Pagkakaroon ng Nasal Polyps sa Loob ng ilong: Ano ang Ibig Sabihin nito?

Uminom ng Nilagang Dahon ng Guyabano! Ito pala ang Magandang Epekto nito sa Ating Kalusugan!

Ayon sa mga Eksperto, Ang Pagtaas ng Binti ng 20 Minuto ay Limang Benepisyong Hatid sa Ating Sistema!